2 pang Pinoy patay sa MERS-CoV sa Saudi
MANILA, Philippines - Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may 2 Filipino workers sa Jeddah, Saudi Arabia ang nasawi dahil sa Middle East Respiratory Coronavirus (MERS-CoV) sa buwang ito.
Sinabi ni DFA Spokesman Charles Jose, ang unang iniulat na OFW na nasawi ay nitong Mayo 12 habang ang ikalawang OFW naman ay nasawi nitong Mayo 18 kaya umabot sa kabuuang 5 OFW’s na ang nasawi sa nasabing sakit sa Saudi Arabia.
Hindi muna pinangalanan ng DFA ang mga OFW’s na nasawi sa sakit na MERS-CoV sa Saudi sa buwang ito gayundin kung ano ang trabaho at kasarian nito.
“Our consulate is rendering assistance to their next of kin and their families have already been notified,†wika pa ni Asec. Jose sa media briefing sa DFA.
Siniguro naman ng DFA na inaayos na ng mga Philippine officials sa KSA ang benepisyo ng nasawing mga Filipinos at ang mabilis na pagpapauwi sa mga bangkay sa Pilipinas.
Ang unang 3 Filipino na nasawi sa MERS-CoV ay pawang nagtatrabaho sa ospital sa Saudi Arabia.
Kahit iniulat na ang paglala at pagkalat ng MERS-CoV sa Saudi Arabia ay hindi naman nagpatupad ng ban ang DFA sa deployment dito.
- Latest