^

Bansa

Sandra Cam hinamon ng Palasyo

Rudy Andal/Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon ng Malacañang si Sandra Cam na patunayan nito ang kanyang akusasyon na nasuhulan ang DOJ at NBI ng P150 milyon ng tinuturong utak ng P10 bilyong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles kapalit ng pagbasura sa illegal detention charges sa kanya na isinampa ng whistleblower na si Benhur Luy.

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., dapat ay may sapat na ebidensiya si Cam kaugnay ng naging akusasyon nito laban sa Department of Justice at National Bureau of Investigation.

“Kailangang may kaalibat na kongkretong ebidensyang papasa sa pamantayan ng hukuman para maging karapat dapat pag ukulan ng pansin at panahon ng pamahalaan,” wika pa ni Sec. Coloma.

Inakusahan ni Cam ang DOJ at NBI na tumanggap ng P150 mil­yong suhol mula kayNapoles kapalit ng pagbasura sa kasong illegal detention na isinampa ni Luy.

Iginiit pa ni Cam na tumanggap din ng P30 mil­yon si dating NBI director Nonatus Rojas sa isang lunch mee­ting nito kay Atty. Alfredo Villamor, Plaridel Bohol at Napoles noong Mayo 23.

“Iba dun pinaghati-hatian sa DOJ...huwag mong sabihin dito na walang kinalaman dito si Secretary de Lima,” wika pa ni Cam sa isang media forum kamakalawa.

“Ang dismissal ng kaso ay hindi lang po manggagaling sa pro­secutor pero mismo sa Secretary of Justice,” paliwanag pa ng pangulo ng whistleblower group.

Nanawagan din si Cam ng pagbibitiw sa puwesto ni Sec. Leila de Lima sa Department of Justice (DOJ) dahil sa isyu.

Wika pa ni de Lima, gusto lamang sirain ni Cam ang kanyang pangalan at imahe ng NBI.

Samantala, iginiit ni Sec. de Lima na paninira lamang ni Cam ang ipinagkakalat nitong suhol sa DOJ at NBI.

 

ALFREDO VILLAMOR

BENHUR LUY

CAM

DEPARTMENT OF JUSTICE

HERMINIO COLOMA JR.

JANET LIM-NAPOLES

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NONATUS ROJAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with