Sa delegates ng World Economic Forum Iskwater hindi itatago - Palasyo
MANILA, Philippines - Walang balak ang Malacañang na itago ang mga iskwater sa Metro Manila sa pagdating ng mga delegado sa World Economic Forum (WEF) on East Asia na ginaganap ngayon sa bansa.
Ayon kay Communications Sec. Herminio Coloma Jr., alam naman ng lahat na mayroong mga hindi kaaya-ayang lugar ang makikita sa Metro Manila tulad sa mga lugar kung saan maraming nakatirang iligal o informal settlers.
Ani Coloma, nakagawian noong itago ang hindi magagandang tanawin kapag mayroong mga international convention na gagawin sa bansa upang hindi makita ng mga bisita ang bakas ng kahirapan sa Pilipinas.
Pero sinabi ni Coloma na ang pinaghahandaan ng gobyerno sa pagdaÂting ng mga bisita ay ang kaayusan sa mga lugar na pagdarausan ng event at hindi pinagtatakpan ang mga dadaanan. Mas pinagtutuunan daw nila ang seguridad ng mga delegado.
- Latest