Napoles dinugo uli, humirit ng mas matagal na pananalagi sa Osmak
MANILA, Philippines – Tatlong araw nang dinudugo ang itinuturong mastermind sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles kaya naman hiniling ng kanyang kampo sa korte na manatili ng mas matagal sa Ospital ng Makati (OsMak).
Sinabi ng abogado ng negosyante na si Bruce Rivera na nito lamang sinabi ni Napoles sa kanila ang kanyang kondisyon kaya naman umapela sila sa Makati Regional Trial Court na may hawak ng kanyang kasong serious illegal detention.
"Three days ago pa (pagdurugo). But she did not tell us kasi akala niya normal. Nabigla kami lahat sa pangyayari kaya magfile kami ng motion," banggit ni Rivera.
Kahapon lamang ay iniutos ng Makati RTC branch 150 na ibalik na si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa City, Laguna kung saan siya nakakulong.
Dinala ang negosyante sa OsMak noong Marso 31 bago sumailalim sa operasyon at tanggalan ng bukol sa kanyang matres noong Abril 23 .
"By this time, her attending physicians may have already completed the once-a-week post operative check-up for the first month including psychological examination" sabi ni Judge Alameda sa kanyang kautusan.
Nauna nang sinabi ng mga doktor ni Napoles na makabubuti para sa negosyante ang manalagi sa ospital kaysa sa kanyang kulungan.
“We don’t know the conditions at Fort Sto. Domingo. We are afraid for our security as Mrs. Napoles is a detainee,†wika ng doktor ni Napoles na si Efren Domingo.
“We recommend that she sees us at our clinics or we see her at a hospital. We are willing to go to Fort Sto. Domingo provided we are assured of our safety,†dagdag niya.
Bukod sa kalusugan ni Napoles, sinabi ng pinuno ng mga abogado ng negosyante na si Stephen David na kailangan matapos ng kanyang kliyente ang paggawa ng salaysay sa mga nalalaman sa pork scam.
Aniya hindi nila ito matatapos sa Fort Sto. Domingo kaya naman hiniling nilang manalagi pa ito ng mas matagal sa ospital.
"The people are clamoring for the truth about these 100 congressmen and senators. Just imagine how could we finish that (affidavit) if she be detained at Fort Sto. Domingo? We are not allowed to stay beyond 4:30 p.m. The documents that we will bring there will be voluminous . And considering that we have come out with a list and the amended list will be released anytime of the week. I was imploring the court that we be allowed some more time in order to finish the affidavit that will support the list that we have submitted," sabi ni David.
- Latest