Gastos ng gov’t sa law firm pinapa-audit
MANILA, Philippines - Nanawagan sa paÂmaÂhalaan ang isang anti-graft watchdog na isailalim sa auditing ang ginastos ng government-sequestered na United Coconut Planters Bank sa isang law firm na kumatawan sa banko sa ilan nitong kinaharap na mga kaso.
Ginawa ng National Coalition of Filipino Consumers ang panawagan dahil sa kuwestiyunable umanong pagkakatalaga sa isang Divina Law firm para maging abogado ng UCPB sa ilan nitong mga kaso.
Nabatid na ang naturang law firm ay itinatag at pinamamahalaan ni Atty. Nilo Divina na bukod sa pagiging dean ng Faculty of Law ng University of Santo Tomas ay board member din ng UCPB.
Dahil dito, nasasadlak sa balag ng alanganin ang mga board member ng UCPB sa akusasyong conflict of interest dahil sa pagkuha nila sa serbisyo ng isa nilang kasamahan at pagbabayad dito ng hindi umano makataruÂngang milyun-milyong piso.
Hinamon ni NCFC legal counsel at spokesperson Atty. Oliver San Antonio ang mga opisyal ng UCPB na “gawing hayag sa publiko ang mga kaso ng bangko na pinahawakan sa Divina Law kasama na rito ang halaga ng mga ipinambayad ng bangko sa nasabing law firm.â€
“Dapat lang nating isipin sa isyung ito ay ang katotohanang ang bangkong ito ay isang government-sequestered company na nangangalaga sa perang idineklara ng Kataas-taasang Hukuman bilang pera ng bayan.â€
Dalawang kaso na ang isinampa ng UCPB sa Makati RTC laban sa Presidential Commission on Good Government at hiningi nito sa hukuman na ideklara ang P15.6 billion sa P71 billion pesos na coco levy fund bilang pag-aari ng UCPB.
Nauna nang kinwestyon ng dating pinuno ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagkakatalaga ni Divina bilang external counsel ng UCPB sa mga kaso ng nasabing bangko dahil isa umano itong lantarang “conflict of interest unbecoming of the dean of one of the most respected law schools in the country.â€
- Latest