^

Bansa

Air Force tutulong sa cloud seeding operations

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Minobilisa na ng Philippine Air Force (PAF) ang mga tauhan nito upang tumulong sa ‘cloud seeding operations’ ng Bureau of Soil and Water Management (BSWM) sa mga dam sa Luzon na nasa kritikal na ang level ng tubig kaugnay ng matinding epekto ng tag-init dulot ng nakaambang El Niño phenomenom.

Ito ang inihayag kahapon ni Lt. Col. Enrico Canaya, bagong talagang Spokesman ng Philippine Air Force (PAF).

Ayon kay Canaya,  nakahanda rin ang PAF na gamitin kung hihilingin ang kanilang mga Cessna LC210 Centurion aircraft  sa cloud seeding operations   na pinangungunahan ng BSWM

Sa tala ng weather bureau, mararamdaman ang matinding epekto ng El Niño phenomenom sa ikaapat na bahagi ng taon hanggang sa  Oktubre ng taong 2015.

Ayon kay Canaya  isinagawa ang inisyal na cloud seeding operation noong Biyernes ng nakaraang linggo  gamit ang aircraft ng BSMW na pinakilos ang kanilang mga tauhan para tumulong sa nasabing misyon.

Kabilang sa target ng cloud seeding operation ay ang Angat Dam sa Bulacan, La Mesa Dam sa Quezon City, San Roque Dam sa Pangasinan-Benguet at Magat dam sa Isabela.

 

ANGAT DAM

AYON

BUREAU OF SOIL AND WATER MANAGEMENT

CANAYA

EL NI

ENRICO CANAYA

LA MESA DAM

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with