NCRPO naghahanda na sa pasukan
MANILA, Philippines - Naghahanda na ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa pagbibigay ng seguridad sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila ngayong darating na pasukan sa Hunyo 2.
Sinabi ni NCRPO Director Carmelo Valmoria na inihahanda na nila ang “Oplan Balik Eskwela†upang maging matiwasay ang pagbabalik sa paaralan ng mga estudyante mula pre-school, elementary, high school at ilan sa kolehiyo.
Muling magpupuwesto ng mga pulis sa itatalagang police assistance desks ang NCRPO sa mga istratehikong lugar sa mga bisinidad ng mga paaralan at maging sa University Belt sa lungsod ng Maynila.
Karaniwan kasi na sa mga unang araw ng pasukan, nagbabalik rin sa kalsada ang mga snatcher, holdaper at iba pang mga kriminal na target ang mga estudyante lalo na iyong may mga dalang pera para sa kanilang enrollment.
Bukod sa mga mag-aaral, babantayan rin ang ilang exclusive schools laban sa mga holdaper na maaaring sumalakay habang pinagsabihan rin ang mga magulang na may dalang malaking halaga para sa enrollment ng mga anak na doblehin ang pag-iingat laban sa mga kawatan.
Bukod sa Oplan Balik Eskwela, tumutulong rin ang mga pulis sa Brigada Eskwela ng DepEd o pagÂlilinis sa mga paaralan bago ang pagbubukas nito sa Hunyo.
Patuloy umano ang pag-eensayo ng mga pulis para sa pagpapatrulya habang may kurso rin para sa “secret martial†na sasampa sa mga sasakyan at tututok laban sa mga holdaper na umaatake sa mga pampasaherong bus, taxi at mga jeep.
- Latest