^

Bansa

Gabriela nabahala sa EDCA

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nangangamba ang grupo ng mga kababaihan na lumalim ang ugat ng problema sa prostitusyon dahil sa presensya ng mga sundalong Amerikano.

Ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus, nakakatanggap sila ng ulat mula sa kanilang local chapters na ang mga mismong bugaw ang nagdadala ng mga babaeng tinatawag na “akyat barko” sa mga Kano kung saan naka-istasyon ang mga ito.

Ang mga babaeng akyat barko ay dinadala umano ng mga bugaw kung saan nakadaong ang barko ng US military para hindi na lalabas at mag-iikot sa iba’t ibang bar ang mga sundalong Kano.

Giit ni de Jesus, indikasyon na ito na magbabalik ang paglaganap ng prostitusyon sa oras na maum­pisahan ang increased rotational presence ng pwersang Amerikano sa bansa salig sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Dapat na umanong matuto ang Pilipinas sa nakalipas na karanasan noong panahong nandito na ang US military bases kung saan umabot sa 60 libong babae ang nasadlak sa prostitusyon.

Ito umano ang dulot ng EDCA sa lipunan kasama ang human trafficking, mga bisyo, sakit at krimen.

AMERIKANO

AYON

DAPAT

EMMI

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

GABRIELA REP

GIIT

KANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with