Power rates sa probinsya pinakukuwenta uli sa ERC
MANILA, Philippines - Nagbabala ang grupong Bayan Muna na kakasuhan nila sa korte ang Energy Regulatory Commission kung hindi ito magsasagawa ng bagong kalkulasyon sa mga presyo ng kuryente sa mga probinsiya.
Nanawagan si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa ERC na magsagawa ng recalculation at iutos ang refund sa lahat ng iba pang lugar na apektado ng hindi makatarungang pagtaas ng singil sa kuryente noong Disyembre at Enero.
“Dapat nang gawin ito ngayon ng ERC dahil inflationary ang pagtaas ng halaga ng kuryente at ang recalculation sa mga lalawigan ay magbubunga sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin,†sabi pa ng senior deputy minority leader.
“Nakatanggap kami ng report na kabilang sa apektado ng hindi makatarungang pagtaas ng singil sa kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) noong maganap ang Malampaya shutdown ay ang mamamayan ng Pangasinan sa pamamagitan ng Pangasinan Electric Cooperative (PANELCO) 3, mamamayan ng Camarines Sur Electric Cooperative (CASURECO) 2 and 4, at ang buong Camarines Sur,†wika ni Colmenares.
Apektado rin ang mga residente ng Nueva Ecija, Bataan at ilang lalawigan sa Visayas, dagdag pa niya.
- Latest