^

Bansa

Pagbibitiw ni Lacson hingi

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinauubaya ng Ma­lacañang kay rehabilitation czar Panfilo “Ping” Lacson ang pagsagot sa panawagan na dapat magbitiw na ito sa posis­yon dahil wala naman umanong nagagawa at mas napagtutuunan pa ng pansin ang pork barrel fund scam kaysa sa tulungan ang mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ipauubaya nila kay Lacson ang pagsagot sa nasabing isyu na pagpapa-resign sa puwesto.

“I’m quite sure that Secretary Lacson will have something to say about that,” sabi ni Valte.

Isang grupo ng mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Samar ang nagsabi na wala pa ring nagagawa si Lacson si­mula ng maupo ito bilang rehabilitation czar.

Sinabi ni Valte na hindi makatarungan ang pa­nawagan laban kay Lacson lalo pa’t iginugugol nito halos buong oras niya sa mga biktima ni Yolanda.

“You know, from what I understand si Secretary Ping eats Yolanda plans for breakfast, lunch and dinner, according to him, and I understand that they just had one of their assessment meetings with the President,” sabi ni Valte.

Hindi anya tama na isiping walang ginagawa si Lacson dahil nagbigay lamang ito ng kanyang statement tungkol sa isang isyu partikular ang pork barrel fund scam.

“You know, I think, just because merong particular statement si Secretary Lacson sa isang isyu na pinag-uusapan, hindi naman po siguro ibig sabihin hindi na ho niya ginagawa ‘yung iba ho niyang tungkulin pa,” ani Valte.

ABIGAIL VALTE

AYON

EASTERN SAMAR

LACSON

SECRETARY LACSON

SECRETARY PING

VALTE

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with