^

Bansa

Negros Occidental, niyanig ng 6.3 na lindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Niyanig ng 6.3 magnitude na lindol ang bahagi ng Negros Occidental dakong alas-6:16 ng gabi ng Huwebes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 49 na kilometro sa timog kanluran ng Hinoba-an, Negros Occidental at may  10 kilometro ang lalim ng lupa  at tectonic ang origin ng lindol.

Naramdaman ang  lindol sa lakas na  intensity 5 sa Hinoba-an, Negros Occidental, habang intensity 4 sa Iloilo City, Bago City, Pandan, Antique, Basay, Sipalay, Negros Occidental.

Sinasabing mara­ming residente doon ang nagulat at natakot sa naturang paglindol  pero wala namang naiulat na napinsala ang naturang lindol sa mga tao man at sa mga ari arian.

Ayon sa PHIVOLCS ang lindol ay bunga ng paggalaw ng Negros trench.

AYON

BAGO CITY

BASAY

HINOBA

HUWEBES

ILOILO CITY

LINDOL

NEGROS OCCIDENTAL

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with