Balikatan 2014 nagtapos na Alyansa ng PH, US simbolo ng kapayapaan
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista na isang simbolo para maÂpanatili ang kapayapaan sa Southeast Asia ang matibay na alyansa sa paÂgitan ng tropa ng PiliÂpinas at Amerika na maÂipagmamalaki sa buong mundo.
Sa pormal na pagtatapos kahapon ng PH-US Balikatan Exercise 2014, sinabi ni Bautista na bilang magkaalyado ay titiyakin ng Pilipinas at Amerika na magtutuluÂngan sila upang mabantayan ang pandaigdigang kapayapaan.
Ang PH-US Balikatan Exercise 2014 na nilahukan ng 3,000 tropang Pinoy at 2,500 naman mula sa mga sundalong Amerikano ay nagsimula noong Mayo 5 at nagtapos kahapon.
Ang magkaalyadong tropa ay sumabak sa serye ng staff exercises, field training exercises, humanitarian at civic assistance activities sa iba’t-ibang piling lugar sa bansa.
Sinabi ni Bautista na minsan pa ay pinatunaÂyan ng Balikatan 2014 na patuloy na tumitibay ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos na ipinagtatanggol ang bawat isa ay nagsimula pa noong 1951 kaugnay ng nilagdaang Mutual Defense Treaty (MDT).
Dumalo sa pagtatapos ng Balikatan sina Defense Undersecretary Honorio Asqueta, Gen Bautista; U.S. Embassy Deputy Chief of Mission, Brian Goldbeck, Director for Philippines, Major Gen. Emeraldo Magnaye at US counterpart nitong si Major Gen. Richard Simcock II, deputy commander ng US Marine Corps Forces Pacific.
Sinabi naman ni GoldÂbeck, bawat taon sa tuwing ginaganap ang Balikatan na nasa ika-30 na ngayong 2014 ay higit pa nitong pinatitibay ang relasyon sa pagitan ng tropang Kano at ng Pilipinas na handang magdamayan sa oras ng pangangailaÂngan.
- Latest