Makati court ’di naglabas ng desisyon kay Napoles
MANILA, Philippines - Walang inilabas kahapon na desisyon ang Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 hinggil sa motion for extension of medical confinement ng tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles. Sa halip ay itutuloy ang pagdinig sa Martes, Mayo 20, alas-10:00 ng umaga.
Ipapatawag ng korte ang doktor na tumingin kay Napoles sa Fort Sto. Domingo upang hingan ito ng pahayag hinggil sa hinihirit ni Napoles.
Parehong sinabi nina Dr. Ishmael Peralta, director ng Ospital ng Makati at Dr. Efren Domingo, isa sa mga doctor ni Napoles, na inaprubahan na nila ang discharge order ni Napoles. Kaya lamang nanatili ito sa OSMAK ay dahil sa pending bill nito matapos tanggalan ng bukol sa matris. Ang hindi lamang aniya matindihan ni Dr. Peralta kung bakit hindi pa ma-settle ni Napoles ang bill nito sa ospital.
- Latest