Pag-ulan, posible sa huling linggo ng Mayo
MANILA, Philippines - Kakalma na ang mainit na panahon sa bansa dahil malamang na maranasan na ang pag-ulan sa huling linggo ng Mayo.
Ito ayon kay Manny Mendoza, weather forecaster ng Pagasa ay dahil karaniwan pumapasok ang southwest monsoon o habagat sa huling linggo ng Mayo na magdadala ng tag-ulan.
“Kapag patapos na ang buwan ng Mayo, medyo bumababa na ang init at inaasahan na ang pagganda ng ating panahon†dagdag ni Mendoza.
Sinabi rin ni Mendoza na batay sa galaw ng mga hangin sa kasalukuyan, nagbabadya na ang panahon ng tag-ulan.
Gayunman, sinabi nitong maaaring maantala ang pagpasok ng tag-ulan ngayong buwan kung papasok na ang El Niño phenomenon sa bansa o tagtuyot.
- Latest