^

Bansa

E-jeep ayaw ng Piston

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing tinutulan ng militanteng grupong Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang paggamit ng ating bansa sa Comet electric jeepney na posibleng pamalit sa kasalukuyang mga passenger jeep na gumagamit ng diesel.

Ayon kay Goerge San Mateo, national president ng Piston, kontra sila sa paggamit ng Comet electric jeepney dahil sobrang mahal ng kuryente na gagamitin nito at hindi nila kakayanin ang gastusin para rito.

Ang Comet electric jeepney ay gawa umano ng banyagang Pangea Motors LLC at ibinebenta naman sa Pilipinas ng KDT global, ang kumpanyang pagmamay-ari umano ni dating Taguig mayor at congressman Freddie Tinga.

“Ang Comet ay nasa P800,000 hanggang P1M kada unit kumpara sa jeep na nasa P500,000.  San kukuha ang mga driver, hindi ganun kadali na palitan ang mga jeepney,” pahayag pa ni San Mateo.

Ayon pa kay San Mateo, kahit pa man nakunan ng litrato si US President Barack Obama sakay ng Comet ay hindi naman ito garantiya na ok na ang makabagong jeepney na ipalit sa dati nang jeep.

“Mahirap pa nito dahil de-baterya ay maubos ang battery sa gitna ng byahe, Imbes na tipid mas magastos na at abala pa sa mga commuters” giit pa ni San Mateo.

Dagdag pa nito na ang Comet ay hindi akma sa lubak-lubak na daan ng Metro Manila kaya maaring masira agad ito kumpara sa dati nang ginagamit na jeepney na subok na sa tibay ang kaha.

Sabi pa ni San Mateo na maganda ang Co­met dahil na rin sa maka­bagong features nito gaya ng pagkakaroon ng CCTV camera, GPRS at Wifi ngunit hindi umano ito ang pangunahing kailangan ng transport sector kundi masolusyunan ang problema sa trapiko at sira-sirang kalsada.

vuukle comment

ANG COMET

AYON

FREDDIE TINGA

GOERGE SAN MATEO

METRO MANILA

OPERATORS NATIONWIDE

PANGEA MOTORS

PRESIDENT BARACK OBAMA

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with