30K farmers makikinabang sa Balog-Balog Irrigation Project
MANILA, Philippines - Nasa 30,000 magsasaka ang direktang makiÂkinabang kapag nasimulan na ang konstruksiyon ng Balog-Balog Irrigation Multipurpose Project sa Tarlac.
Sa panayam ng PSN kay National Irrigation AdmiÂnistration (NIA) administrator Claro Maranan, sinabi nito na inihintay na lamang nila ang pag-apruba ng National Economic Development Administration (NEDA) Board para mapasimulan ang proyekto.
Ayon kay Maranan, aprubado at nagbigay na ng rekomendasyon ang Cabinet Committee (Cabcom) para maitayo ang P15.8 bilyong proyekto na matagal ng isinusulong ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.
Ani Maranan, sa oras na magbigay ng aprubal at kumpirmasyon ang NEDA Board ay magpapatawag sila ng bidding sa mga contractor na gagawa ng nasabing proyekto.
Sa ilalim ng proyekto, lalagyan ng irigasyon ang may kabuuang 34,410 hektaryang lupain sa Tarlac City at walong bayan ang direktang makikinabang na kinabibilangan ng La Paz, Gerona, Pura, Ramos, Capas, Paniqui, Bamban at Concepcion bukod pa ang mga kalapit na bayan sa Pampanga.
- Latest