Listahan ni Lacson sa pork scam ibinigay na sa Senado
MANILA, Philippines — Umaasa si dating Senador Panfilo “Ping†Lacson na makatutulong ang hawak niyang listahansa imbestigasyon ng Senado sa kontrobersyal na pork barrel scam.
Ibinigay ni Lacson ang nakuhang listahan mula sa asawa ng itinuturong utak sa likod ng pork scam na si Janet Lim-Napoles sa Senate Blue Ribbon Committee ngayong Martes.
"I hope that these documents will assist in the investigation being conducted by your Committee and address the clamor of our people for transparency in public service," banggit ni Lacson sa cover letter na nakapangalan para kay committee chairman Teofisto Guingona III.
Kaugnay na balita: Umano'y listahan ng mga sangkot sa pork scam kumakalat
Kabilang sa listahan ang siyam na dati at kasalukuyang senador, kung saan kabilang ang nahatulan na ng Office of the Ombudsman na sina Senador Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile at Ramon "Bong" Revilla, Jr.
Nauna nang kumalat ang unang pahina ng listahan ngunit may kadugtong pa pala ito kung saan dawit ang iba't ibang kagawaran ng gobyerno kabilang ang mga kalihim nito.
Nasa ikalawang pahina si Department of Agriculture Proceso Alcala, ang ngayo'y state witness na si Ruby Tuazon at artistang si Mat Ranillo.
Kaugnay na balita: 4 senador, 1 kalihim sa pork scam pinangalanan ni Lacson
Bukod sa listhan ni Lacson ay mayroon din hawak sina Justice Secretary Leila de Lima na listahan, na mula mismo kay Napoles, at jueteng scandal whistleblower Sandra Cam.
Listahan umano ni Janet Lim-Napoles ng mga kasabwat sa pork barrel scam na mula kay Lacson. Marvin Sy
Kaugnay na balita: Miriam kay Lacson: bisexual, magpapa-sex change!
- Latest