^

Bansa

El Niño tututukan ng bagong pinuno ng NDRRMC

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tututukan ng bagong talagang si National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama ang problemang  posibleng idulot sa epekto ng nakaambang El Niño phenomenon o panahon ng tagtuyot.

Ayon kay Pama, magtutulong ang mga ahensya ng pamahalaan upang maisagawa ang mga kaukulang hakbang upang mabigyan ng karampatang aksyon kung paano maiibsan ang epekto ng sobrang init ng temperatura.

Si Pama retiradong Navy Chief  ay pormal na naupo kahapon sa puwesto matapos namang magbitiw sa puwesto si dating NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario sa ginanap na turn over ceremony sa Camp Aguinaldo. Ang opisyal ay ikatlong NDRRMC Executive Director sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Sinabi ni Pama na handa siyang harapin ang hamon ng kaniyang panibagong tungkulin sa ahensya na ang pangunahing misyon ay tugunan ang problema sa kalamidad dulot ng climate change o pagbabago ng panahon.

Isa na rito , ayon sa opisyal ay ang El Niño pheno­menon na ibinabala ng weather bureau.

CAMP AGUINALDO

EL NI

EXECUTIVE DIRECTOR

EXECUTIVE DIRECTOR ALEXANDER PAMA

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

NAVY CHIEF

PAMA

SI PAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->