Senado sa DOJ: Napoles list isuko
MANILA, Philippines - Ipinapasurender na sa Senate Blue Ribbon Committee ang listahan ni Janet Lim-Napoles na hawak nina Department of Justice Secretary Leila De Lima at rehabilitation czar Panfilo “Ping†Lacson.
Nilagdaan na kahapon ni Sen. Teofisto Guingona III ang subpoena duces tecum para kay De Lima upang ipasurender dito ang hawak na listahan bago ang Mayo 15.
“By authority of Section 17, Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation of the Senate, Republic of the Philippines, you are hereby commanded and required to submit on of before Thursday, May 15, 2014 to the Committee on Accountability of Public Officers and Investigation (Blue Ribbon) of the Senate…certified true copies of: Alleged Napoles list/affidavit on the PDAF scam,†nakasaad sa subpoena na nilagdaan ni Guingona.
Nangako na rin kay Guingona si Lacson na ibibigay ang hawak niyang listahan ngayong linggo.
Nakasaad sa nasabing listahan ang pangalan ng iba pang senador at pulitiko na sinasabing nakinabang sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas kilala sa tawag na pork barrel funds.
“Lacson has committed to turn over documents that he has in his possession within the week,†sabi ni Guingona.
Kaugnay nito sinabi naman ni Senator Jose “Jinggoy†Estrada na dapat ay matagal ng ginawa ni Guingona ang pagpapalabas ng subpoena upang malaman ang iba pang sangkot sa scam.
“That should have been done that a long time ago. Problema sa kanya ngayon lang siya (Guingona) nag decide kasi palagi siyang absent sa Senado,†sabi ni Estrada.
Matagal ng pinaboran ni Estrada at maÂging ni Senator Ramon Bong Revilla Jr. ang pagpapalabas ng sinasabing listahan dahil sila lamang ang idinidiin sa PDAF scam kabilang si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.
- Latest