NFA chief Calayag nagbitiw
MANILA, Philippines - Nagbitiw na sa kanyang puwesto si National Food Authority (NFA) Administrator Orlan Calayag kasunod ng pagkakatalaga kay dating senador Kiko Pangilinan bilang food security czar.
Kinumpirma ni NFA spokesman Rex Estoperes na nagpasa ng kanyang resignation letter si Calayag kina Executive Secretary Paquito Ochoa at Pangilinan noong Mayo 8.
Ayon kay Estoperes, nagbitiw si Calayag sa kanyang puwesto upang hindi siya maging hadlang sa pagpili ni Pangilinan ng bagong NFA chief.
Itinalaga ni Pangulong Aquino si Pangilinan bilang food security czar kasunod ng magkakasunod na kontrobersiya na kinasangkutan ng Department of Agriculture, kabilang ang National Food Authority na nakapaloob sa naturang kagawaran.
Pangilinan was appointed food security czar by President Benigno Aquino III to cleanse the four agencies under the Department of Agriculture, which have been plagued by controversies and anomalies in recent months.
Naitalaga bilang NFA chief si Calayag noong Enero ng nakalipas na taon.
- Latest