^

Bansa

P224 M sobrang singil sa text

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa P8 milyon kada araw o katumbas ng P224 milyon kada buwan ang sobrang singil sa text messages mula pa noong 2011 ang dapat isoli ng mga Telecommunications Company (Telcos) sa mil­yun-milyon nitong subscribers sa bansa.

Ayon kay Edgardo Cabarrios, director ng National Telecommunications Commission (NTC) base sa kanilang pagtaya, sa 2 bilyong text messages kada araw na ipinadadala at 10% ay regular text ay nasa 20% ang nagko-cross network, i-multiply ng 20 centavos, lalabas na P8-million bawat araw ang dapat i-refund mula pa noong Disyembre 1, 2011.

Nabatid na magiging madali ang refund para sa aktibong post-paid subscriber na ipinababawas sa buwanang bayarin ang sobrang nasingil.

Sa inactive post-paid subscriber, iminungkahi naman nilang ibigay ang refund sa kostumer sa pamamagitan ng tirahan na nasa dating rekord ng inactive post-paid subscriber.

Sa mga aktibong prepaid subscriber, maaaring mag-refund sa pamamagitan ng pagpapadala ng load subalit problema pa aniya kung papaano ibabalik ang sobrang nasingil sa prepaid user na hindi na aktibo. (Joy Cantos)

AYON

DISYEMBRE

EDGARDO CABARRIOS

JOY CANTOS

NABATID

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

TELCOS

TELECOMMUNICATIONS COMPANY

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with