Isyu sa China idudulog ni PNoy sa ASEAN
MANILA, Philippines - Tumulak na kahapon patungong Myanmar si Pangulong Aquino upang dumalo sa 24th Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Lulan ang Pangulo ng Philippine Airlines Flight PR 001 at dumating sa Nay Pyi Taw International Airport pasado alas-3 ng hapon.
Bago umalis ng bansa, inihayag ng Pangulo na idudulog niya ang ginagawang pang-aagaw ng teritoryo ng China.
Kabilang sa 56-member delegation sina House Speaker Feliciano Belmonte, Finance Sec. Cesar Purisima, Press Secretary Herminio Coloma, Presidential Management Staff Chief Julia Andrea Abad at Mindanao Development Authority Chairperson Luwalhati Antonino.
Nauna ng umalis sa bansa sina Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario at Trade Sec. Gregory Domingo.
Isusulong din ng PaÂngulo ang pagkakaisa ng mga bansang kasapi ng ASEAN. Naniniwala ito na mas mapapabilis ang pagresolba sa mga suliraning kinakaharap ng ASEAN kung may maigting na kooperasyon ang mga kasaping bansa.
Personal din niyang pasasalamatan ang mga kalapit bansa ng Pilipinas na tumulong sa mga naÂging biktima ng bagyong Yolanda.
Idudulog din umano ng Pangulo sa nasabing summit ang problema ng climate change, kooÂperasyon ng mga bansa laban sa human trafficking at rule of law sa rehiyon.
Naglaan ang gobyerno ng P6.8 milyon para sa transportasyon, accommodation, food, equipment at iba pang kakailanganin ng Pangulo at ng kanyang delegasyon sa dalawang araw na ASEAN meeting. (Malou Escudero/Butch Quejada)
- Latest