^

Bansa

AFP kinalampag sa ‘Kubar boots’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling kinalampag ng nagpakilalang concerned ‘SOLDIERS’ ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), partikular si Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista na paimbestigahan ang ginawang pagbili ng mga bagong pares ng Hukbong Katihan Boots o “Kubar combat boots” na ipagagamit sa Philippine Army (PA).

Sa kabila umano ng claim ng AFP na ang nasabing combat boots ay mas matibay kaysa kasalukuyang gamit na combat shoes ng mga sundalo na may maximum stability, comfort at protection sa actual combat training at operations, kinontra ito ng grupo sa pagsasabing mas komportable pa ring gamitin ang dati nilang gamit na combat boots dahil mas angkop umano ito sa ‘field use’ kumpara sa disenyo ng Kubar na para sa ‘garrison use’.

Iginiit pa ng grupo na dapat ay mismong si General Bautista ang umaksiyon at ire-evaluate ang kalidad at presyo para matukoy kung may anomalya ang procurement nito dahil lumalabas na iisa lamang ang dumalo sa isinagawang bidding ng Phil. Army Bids and Awards Committee na nagprisinta diumano ng sample na produkto mula China.

Kung ikukumpara umano ang presyo ng Kubar sa dating ginagamit ng mga sundalo, halos triple ang presyo nito. Dahil sa sobrang taas ng halaga ng mga bagong combat boots, sinabi ng grupo ng mga sundalo na maapektuhan din nito ang kanilang clothing allowance o mas maliit na halaga na lamang ang kanilang matatanggap.

Kung sa China umano manggagaling ang Kubar boots, ang lokal na industriya ng sapatos sa Marikina ay naapektuhan din dahil sa halip na tangkilin ang gawang Pinoy, na nakakatugon sa requirements para sa angkop na combat boots, sa manggagawang banyaga pa ito ipinagawa.

Lumalabas umano sa unit price ng Kubar boots na P4,500 habang ang dating combat shoes ng PA ay nasa P1,300 lamang ang bawat pares.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY BIDS AND AWARDS COMMITTEE

BOOTS

CHIEF OF STAFF GEN

COMBAT

EMMANUEL BAUTISTA

GENERAL BAUTISTA

HUKBONG KATIHAN BOOTS

KUBAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with