Anti-trust gawing urgent bill
MANILA, Philippines - Pinasesertipikahan bilang urgent ni Abakada partyÂlist Rep. Jonathan dela Cruz kay Pangulong Aquino ang House bill 4329 o ang Philippine Fair Competition Act of 2014.
Matatandaan na ang anti-trust bill na inihain ni Deputy Speaker at Leyte Rep. Sergio Apostol noong nakaraang linggo ay nai-refer na sa House trade and industry committee na pinamumunuan naman ni Las Piñas Rep. Mark Villar para sa public hearing.
Giit ni dela Cruz, dapat na agad mapag-usapan ang panukala upang maiwasan ang “political maneuvering†na inaasahan sa loob ng 12 buwan bago ang 2016 presidential elections.
Dagdag pa ng kongresista na ang anti-trust bill na inihain dati ni Quezon Rep. Lorenzo Tanada III noong 15th Congress ay natengga lamang sa second reading noong 2011 matapos na mag-lobby ang mga multi-national company upang mapanatili umano ng mga ito ang pamamahala sa merkado ng Pilipinas.
Partikular na inihalimbawa ni dela Cruz ang multinational oil companies na naiulat na nagpapabago-bago ng presyuhan sa world market upang maitaas ang presyo ng petrolyo sa bansa na umano’y isang malinaw na paglabag sa batas.
- Latest