Taumbayan kikilatis sa affidavit ni Napoles
MANILA, Philippines - Pinayuhan ng isang obispo ang pamahalaan na hayaan ang taumbaÂyan na kumilatis kung totoo ang nilalaman ng itinatagong affidavit ni Janet Lim-Napoles.
Sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na hindi si Justice Secretary Leila de Lima, hindi rin si Ombudsman Conchita Carpio Morales at hindi rin ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Alan Peter Cayetano ang dapat kumilatis sa Napoles list.
Sabi ng Obispo, mas mapagkakatiwalaan pa ang mga tao sa pagtukoy kung may basehan at totoo ang “Napoles list†kaysa sa mga opisyal ng pamahalaan.
Ang publiko raw ang dapat na humusga sa katotohanan ng Napoles list dahil ang mga tao ang niloko at pera nila ang kiÂnurakot.
Wika pa ni Bishop Bacani, kailangang isapubliko na ni de Lima ang listahan upang maalis ang duda o hinala ng taumbayan na may prinoprotektahan ang DOJ at Kongreso na sinasabing mga kaalyado ni Pangulong Aquino.
Pinaalalahanan din ng Obispo ang kalihim na ang ibinigay na affidavit ni Napoles ay maituturing na “public documents†kaya dapat gawing available sa publiko.
Nangangamba ang Obispo na mag-aalsa ang sambayanan kapag dinuktor ni de Lima ang Napoles list.
Sapat umano ang internet, social media, telebisÂyon, mga diyaryo at radio at hindi na kailangan pa ang people power para maalis sa puwesto ang isang kalihim na ayaw ilabas ang listahan ng mga sangkot sa pork barrel scam.
- Latest