^

Bansa

Special cell kina JPE, Jinggoy, Bong redi na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagpapaliwanagin ng Malacañang ang liderato ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa paghahanda nito ng special cell sa PNP Custodial Center para sa 3 senador na kinasuhan ng plunder sa Ombudsman kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.

Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr. sa media briefing kahapon, walang ideya ang Palasyo sa nasabing paghahanda ng PNP ng special cell para kina Se­nators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

“Kailangang alamin natin kung ano ang background at beripikahin natin kung ano ang dahilan diyan sa sinasabi mong ginawang paghahanda,” sabi ni Coloma.

Ayon kay PNP-Public Information Office Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, ang nasabing special detention cell ay hinahanda lamang sakaling magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa tatlong senador.

Sinabi ni Sindac na bagaman ayaw nilang pangunahan ang pasya ng Sandiganbayan ay nakahanda naman aniya sa lahat ng oras ang PNP Custodial Center sakaling i-commit ng korte na sa Camp Crame pansamantalang ikulong ang mga akusado.

Wika pa ni Sindac, sa ngayon puno ang PNP Custodial Center ng mga bilanggo at kailangan nilang magdagdag pa ng selda para ma-accomodate ang mga bagong bilanggo.

Siniguro rin ng pulisya na walang special treatment kundi fair treatment ang kanilang ibibigay para sa tatlong senador sakaling ilabas ang warrant at arestuhin ang mga ito.

Nasa 80 detainees anya ang maaring i-accommodate sa nasabing jail facility sa Camp Crame kung saan sa kasalukuyan ay mayroong 70 na nakakulong dito.

Kabilang sa mga nakakulong ngayon sa PNP custodial center si dating PNP Chief Avelino Razon at iba pang heneral, mga pulis na sangkot sa Atimonan rubout incident at ang mag-asawang NPA na sina Benito at Wilma Tiamzon.

Ang nasabing special detention cell ay hiwalay sa mismong selda ng PNP Custodial Center. (May ulat ni Joy Cantos)

BONG REVILLA

CAMP CRAME

CHIEF AVELINO RAZON

COMMUNICATIONS SEC

CUSTODIAL CENTER

HERMINIO COLOMA JR.

JINGGOY ESTRADA

JOY CANTOS

JUAN PONCE ENRILE

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with