PNoy tinanggap ang pagbibitiw ng PCSO chief
MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Pangulong Benigno Aquino III ang nagbitiw na Philippine Charity Sweepstakes Office chairwoman Margarita Juico sa serbisyong ibinigay niya para sa mga Pilipino.
Tinanggap ni Aquino ngayong Biyernes ang pagbibitiw ni Juico na hiniling na makapagpahinga na dahil na rin sa tumatandang edad.
Pinuri ng Pangulo ang PCSO chairman para sa kanyang "dedicated service to the government and the Filipino people."
"As an esteemed family friend, President Aquino wishes her well on her decision to end her stint in public service," wika ni Presidential Communication Operations Office head Herminio Coloma Jr.
Kahapon naghain ng resignation letter ang 65-anyos na si Juico.
"I have reached retirement age. I have served over two decades. Pahinga na muna (Rest first)," pahayag niya.
Isa si Juico sa mga itinalaga sa puwesto ng namayapa nang si dating Pangulo Corazon Aquino, ina ng kasalukuyang Pangulo.
Pinabulaanan din ng PCSO chairman na pinagbitiw siya ng Malacañang dahil sa pagkawala ng ebidensya para sa kasong plunder laban kay dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo.
- Latest