MM residents pinagtitipid sa tubig
MANILA, Philippines - Pinagtitipid sa tubig ng National Water Resources Board (NWRB) ang mga residente ng Metro Manila upang maÂibsan nito ang epekto ng inaasahang kakulangan sa suplay ng tubig dulot ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam na siyang nagsusuplay ng inuming tubig sa Kalakhang Maynila.
Ayon kay executive director Sevillo David ng NWRB, nitong MiyerÂkoles ng umaga ay nakapagtala ang Angat dam ng 181.62 meters na pagbaba sa water level ng dam na may mahigit isang metro na lamang at malapit na ito sa critical level.
Bunga nito, sinabi ni David na unang naapekÂtuhan ng pagbaba ng water level ang patubig sa Bulacan at Pampanga.
Sinasabing ilang paÂtaniman sa nabanggit na mga lalawigan ay hindi na nadadaluyan ng patubig mula sa irigasyon dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig sa naturang dam dulot naman ng mainit na panahon.
Mas bababa pa umano ang level ng tubig sa Angat dam sakaling pumasok na ang El Niño phenomenon sa bansa o panahon ng tag-init na kalimitan ay nangangamatay ang mga pananim sa mga sakahan.
Habang nasusuplaÂyan pa ng tubig mula sa Angat dam ang Metro MaÂnila ay dapat nang magtipid ang publiko para hindi kapusin sa suplay sa oras na may matinding pangangailangan dito.
Umaabot sa 97 percent ng tubig mula sa Angat dam ang naisusuplay nitong tubig sa Metro Manila.
Sinasabing papasok sa bansa ang panahon ng El Niño sa buwan ng Hunyo ng taong ito.
- Latest