Gobyerno wala pa ring master plan sa Yolanda victims
MANILA, Philippines - Wala pa ring master plan ang pamahalaan na gagamitin sa rehabilitasyon para sa mga naÂging biktima ng bagyong Yolanda.
Inamin ni Karen Jimeno, communications director ni Rehabilitation Czar Panfilo Lacson sa pagdinig kahapon ng joint congressional oversight committees on public expenditures, na hindi pa nagsusumite ng kanilang plano ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para ipatupad sa mga naapektuhan ni Yolanda.
Maging ang Post-Disaster Needs Assessment (PDNA) report na gagaÂwing basehan sa pagbuo ng master plan ay hindi pa rin naaaprubahan ni Pangulong Aquino.
Ayon kay Sen. Chiz Escudero, chairman ng Senate Committee on Finance, lubhang nakakadismaya ang kabagalan ng ilang ahensiya ng gobyerno sa kabila ng ginawang pag-apruba ng multi-billion post-disaster funding ilang buwan na ang nakakaraan.
Pinuna ni Escudero ang kawalan ng “sense of urgency†sa hanay ng mga executive agencies na inatasan para magpatupad ng mga programa sa rehabilitasyon.
Binilisan aniya ng Kongreso ang pag-apruba ng pondo para sa rekonstruksiyon at rehabilitasyon pero hanggang ngayon ay wala pa ring PDNA ang National Disaster Risk Reduction Management Council.
Nakakalungkot aniya na anim na buwan mula ng manalasa ang super bagyo ay hindi pa rin alam ng gobyerno kung ano talaga ang eksaktong kailangan ng mga biktima.
Ibinunyag naman ni Rehabilitation Czar Sec. Panfilo Lacson na mayroong 2 Cabinet member ang sumasabotahe sa rehabilitation plan ng gobyerno para sa mga biktima ng Yolanda sa Visayas.
Tumanggi si Sec. Lacson na pangalanan ang dalawa na sakit umano ng kanyang ulo dahil hindi nakikipagtulungan upang mabilis sana niyang magampanan ang kanyang trabaho.
- Latest