^

Bansa

Napoles humirit ng extension sa OsMak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling ng negosyanteng si Janet Lim Napoles na manatili muna siya sa Ospital ng Makati hanggang sa matapos ang kanyang mga check-up.

Inihain ng mga abogado ni Napoles ang pitong pahinang “Very Urgent Ex Parte Motion To Observe The Status Quo Ante With Motion For Further Hospital Confinement Due To Medical Reasons” sa  Makati City Regional Trial Court Branch 150 kahapon.

Nakasaad sa mosyon na kahit nagbigay na ng clearance ang mga doktor ni Napoles ay iginiit nilang kinakailangan ng negosyanteng matignan isang beses kada linggo sa loob ng isang buwan at isang beses kada dalawang linggo sa susunod pang buwan.

Dagdag nila na kailangan ni Napoles na makapagpahina ng maigi sa “sanitized, hygienic and sterile” na lugar.

Sinabi pa ng kampo ni Napoles na tanging sa ospital lamang o klinika maaaring masuri ng mga doktor ang negosyante.

Nakatakdang dinggin ng korte ang mosyon sa Mayo 14 ganap na 1:30 ng hapon.

DAGDAG

HINILING

INIHAIN

JANET LIM NAPOLES

MAKATI

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NAKASAAD

NAKATAKDANG

NAPOLES

OSPITAL

VERY URGENT EX PARTE MOTION TO OBSERVE THE STATUS QUO ANTE WITH MOTION FOR FURTHER HOSPITAL CONFINEMENT DUE TO MEDICAL REASONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with