SC sa LWUA: Ibalik ang sobrang P13M allowance
MANILA, Philippines – Higit P13 milyong halaga ng unauthorized extraordinary and miscellaneous expenses ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ang ipinapasauli ng Korte Suprema ngayong Martes.
Kinatigan ng mataas na hukuman ang notice of disallowance noong Hulyo 21, 2009 ng Commission on Audit kun saan lumabas na P13,110,998.26 ang nai-reimburse ng mga opisyal ng LWUA sa buong taon ng 2006.
Sinabi ng COA na walang resibo at kulang ang mga papeles na inihain ng LWUA dahilan upang maging ilegal ang pagkuha ng pondo.
Nauna nang umapela ang mga opisyal ng LWUA sa COA ngunit ibinasura ito.
Dinala ng ahensya ang kaso sa Court of Appeals ngunit hindi rin lumusot hanggang iangat sa Korte Suprema na pareho lamang ang desisyon at sinabing tama ang COA.
"The Court finds that the COA did not commit any grave abuse of discretion as its affirmance of Notice of Disallowance No. 09-001-GF (06) is based on cogent legal grounds," banggit ng mataas na hukuman.
- Latest