‘Zero Rabies’ sa 2020 hangad ng DOH
MANILA, Philippines - Hangad ng pamunuan ng Department of Health (DOH) na makamit ang layunin na ‘zero rabies sa bansa pagsapit ng taong 2020.
Ito’y dahil sa pagpapalakas pa ng kampanya kontra rabies, partikular ang paglalaan ng mas malaking pondo ng DOH sa Bureau of Animal Industry (BAI).
Batay sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ng DOH at ng BAI kahapon, nagbigay ang DOH ng P69.5 milyon para palakasin ang kanilang kampanya laban sa rabies sa bansa. Ang pondo ay gagamiting pambili ng bakuna kontra rabies.
Karagdagan din umano ito sa P40 milÂyong budget na inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa naturang anti-rabies program.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 15 lalawigan at munisipalidad sa bansa na deklaradong rabies-free, bagamat nananatili pa rin umano itong seryosong public health problem.
Iniulat ng DOH-National Epidemiology CenÂter (NEC) na sa Pilipinas ay may 157 recorded rabies deaths noong 2013 at karamihan sa mga ito ay naitala sa CALABARZON (35 cases), Cagayan Valley Region (22), Bicol (21), SOCKSARGEN (19), Davao (16) at National Capital Region (9).
- Latest