^

Bansa

P40M pork kickback isinoli, Ruby witness na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagkalooban ng Ombudsman ng immunity si Ruby Tuason sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Sa limang pahinang Immunity Agreement sa pagitan nina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Tuason, may immunity ito mula sa criminal pro­secution hinggil sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam kapalit ng pagpapahayag ng lahat ng nalalaman nito sa kaso at magpapalabas ng mga dokumento na hawak nito na may kinalaman sa maanomalyang paglustay sa PDAF.

Una nang isinoli ni Tuason ang P40 million na mula umano sa nasabing scam. 

Kung mabibigo si Tuason sa kasunduang ito, agad maaalis ang naibigay ditong immunity at babalik siya bilang isa sa mga akusado sa kasong plunder.

Sa ilalim ng Republic Act 6770 o ang Ombudsman Act of 1989, ang Ombudsman ay may kapangyarihan na magbigay ng immunity sa mga taong may kasong kriminal lalupat kakailanganin ang mga hawak nitong ebedensiya sa gagawing pagdinig ng Ombudsman hinggil sa naturang kaso.

Sinasabi ni Tuason na siya ang nagpakilala kina Senators Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada sa negosyanteng si Janet Lim Napoles noong 2004.

Anya, sa kada proyekto, ang mambabatas ay tumatanggap ng 40 percent kickback at siya naman ay tumatanggap ng 1.5 percent sa bawat referral.

Nilinaw naman ni Justice Secretary Leila de Lima na ang immunity kay Tuason ay para lamang sa pork barrel scam at hindi kasama ang Malampaya funds. 

“Wala pa siyang immunity sa Malampaya kasi i-evaluate din ‘yun. Hindi naman pwede na ‘yung immunity na ‘to sa PDAF automatically covers also the Malampaya kasi iba ‘yung mga kaso na ‘yan,” ani de Lima. (Dagdag ulat ni Doris Borja)

vuukle comment

DORIS BORJA

IMMUNITY

IMMUNITY AGREEMENT

JANET LIM NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

JUSTICE SECRETARY LEILA

MALAMPAYA

TUASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with