Voter’s registration sa Mayo 6
MANILA, Philippines - Magsisimula na sa Mayo 6, 2014 ang voter’s registration para sa 2016 elections.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, binibigyan nila ng pagkakataon na makapagrehistro sa bioÂmetrics system mula Mayo 6 ngayong taon hanggang sa ika-31 ng Oktubre sa 2015 ang mga botante.
Paliwanag nito, iba ang biometrics system sa dati nilang sistema dahil kukuhanan ang mga botante ng fingerprints at litrato saka bibigyan ng voter’s ID.
Mas organisado at iwas pamemeke anya ito dahil isang rehistro lang sa voter’s registration machine ay pasok na ang impormasyon ng botante sa official system.
Tinatayang nasa 9.6 milyong mga botante ang rehistrado na ngunit wala pang biometrics habang hinihintay naman ang nasa 2.5 hanggang tatlong milyong bagong registrants.
Sabi pa ni Brillantes, magsasagawa sila ng on-site registrations tuwing Linggo sa mga matataong lugar tulad ng simbahan at mga mall upang maabot ang mga hindi pa rehistrado.
Sakaling transferee o mag-iiba ng presinto maaaring pumunta sa election office ng lilipatang presinto at magparehistro sa kanilang voter’s registration machine (VRM) upang makuhanan ng biometrics.
Iwas-pamemeke ang bagong proseso dahil kada tatlong buwan ay maglalabas ng proceedings ang ERB na magpa-publish ng lahat ng bagong aplikante upang matignan kung may kapareha ang nagrehistro. Kung wala naman ay agad nilang aaprubahan ito.
Maituturing na deÂactivated ang status ng isang botante kung hindi nito nagawang bumoto ng kahit isang beses sa dalawang eleksyon noong 2013.
Kailangan lang mag-fill-up ng affidavit kung may biometrics na at magpapa-biometrics naman kung wala pa.
Magdala rin ng valid ID partikular na ng governÂment ID sa pagpapareÂhistro.
- Latest