12-M Pinoy tambay!
MANILA, Philippines - May kabuuang 12-milyong Pinoy sa bansa ang walang trabaho, tambay sa kanto o jobless sa kasalukuyan.
Base sa 2014 report ng International Labor Organization (ILO), ang PiÂliÂpinas ang may pinaÂkamataas na unemployment rate sa lahat ng bansang kasapi AssoÂciation of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Naitala ng ILO na ang mga walang trabaho o mga ‘nagbibilang ng poste’ sa Pilipinas ay pumalo na sa 7.3 percent, base na rin Global Employment Trends.
Sumunod sa Pilipinas ang Indonesia na may 6 percent, Brunei 3.7%, Burma 3.5%, Malaysia 3.2%, Singapore 3.1%, Vietnam 1.9%, Laos 1.4%, Thailand 0.8% at Cambodia na may 0.3% unemployment rate.
Sa record ng ILO sinasabing, tumaas ng 5-milyon ang jobless ngayong taon kumpara noong 2013.
Karamihan sa mga walang trabaho ay may edad 18-25 na umaabot sa 53.3%, 25-34 ay 25% at 35-40 ay 17.7.
Kabilang sa mga walang trabaho sa kasalukuyan ay mga na-retrench, mga nag-resign sa kanilang hanapÂbuhay at first-time-job seekers.
- Latest