^

Bansa

QC buses dapat may CCTV

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nararapat na may mga closed circuit television o CCTV ang mga bus sa Quezon City upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Sa panukala ni Quezon City councilor Karl Castelo na kanyang inihain sa Konseho kamakailan, epektibo ang CCTV laban sa kriminalidad dahil nakikilala ang mga masasamang loob sa pamamagitan nito.

Kung bawat bus sa Quezon City ay may CCTV, mahihirapan ang mga holdaper at isnatser na biktimahin ang mga pasahero, paliwanag ni Castelo.

Sa ilalim ng panukala, tungkulin ng mga operator na kabitan ang kanilang mga bus ng CCTV. Obligado rin ang mga drayber at kundoktor na buksan ang CCTV sa kanila-kanilang bus habang pumapasada upang protektado sila at ang mga pasahero anumang oras sa biyahe.

Aabot sa P5,000 ang multa para sa tiwaling operator samantalang P1,000 sa ayaw sumunod na drayber at konduktor.

Ang hakbang ni Castelo ay bunsod ng hindi maawat na panghoholdap at iba pang krimen sa loob ng mga bus kung saan maraming pasahero ang nawawalan ng mga ari-arian o ‘di naman ay napapaslang.

 

AABOT

BUS

CASTELO

CCTV

KARL CASTELO

KONSEHO

NARARAPAT

OBLIGADO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with