^

Bansa

Labor protest kasado ngayon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng malawakang pagkilos ang grupo ng mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong Labor Day.

Sinabi ni Roger Soluta, secretary-general ng KMU, mariin nilang iparirinig kay Pangulong Aquino ang pagbatikos nila sa ginawang pag-isnab ng pamahalaan sa hinaing na taas-sahod ng mga manggagawa, pagkondena sa paglagda sa Enhanced Defense Cooperation Agreement at pagpupursigi na maipatupad ang Charter Change.

“Workers and advocates of workers’ rights have every reason to join this year’s Labor Day protests. Aquino has been pressing down wages, has just signed the EDCA and is pushing for Cha-cha, showing the world just who his real ‘bosses’ are,” pahayag ni Soluta.

Anya, ang protesta at ibang aktibidad ay gagawin sa 14 na rehiyon kasama ang Metro Manila, Ilocos, Cordillera, Central Luzon, Southern Tagalog, Bicol, Eastern Visayas, Central Visayas, Panay Islands, Northern Mindanao, Southern Mindanao, Western Mindanao, Far South Mindanao at Eastern Mindanao. 

Sinabi ni Soluta na ang mga protesters sa kalakhang Maynila ay magsasama-sama sa Welcome Rotonda, Monumento, Quirino, Stop n’ Shop at Plaza Hernandez sa umaga at saka tutungo sa Liwasang Bonifacio at Mendiola sa bandang hapon.

CENTRAL LUZON

CENTRAL VISAYAS

CHARTER CHANGE

EASTERN MINDANAO

EASTERN VISAYAS

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

FAR SOUTH MINDANAO

KILUSANG MAYO UNO

LABOR DAY

LIWASANG BONIFACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with