^

Bansa

Pinay tinamaan ng Mers CoV sa Saudi

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa pang Pinay ang inilagay sa isolation area matapos mag-positibo sa nakamamatay na Middle East Respiratory Syndrome (MERS) Corona­virus sa Saudi Arabia.

Ayon sa Saudi Foreign Ministry, ang 38-anyos OFW na nagtatrabaho sa Riyadh bilang pharmacist ay kasalukuyang inoob­serbahan sa intensive care unit ng King Fahad Medical City matapos ma-admit noong Abril 22.

Nakitaan ito ng sintomas ng Mers coronavirus nang maisugod sa na­sabing ospital.

Unang nagsimula sa Saudi ang Mers Cov may dalawang linggo na ang nakalilipas, na mabilis na kumalat sa Gitnang Sila­ngan. May 339 kaso ang kinumpirma sa Saudi at 102 dito ang naging fatal. 

Sa huling ulat, may 10 sa nasabing bilang ang kinumpirmang nasawi ka­bila ang pito sa Jeddah, dalawa sa Riyadh at isa sa Mecca.

Muling pinaalalaha­nan ng Embahada ng Pilipinas ang mga libu-libong Pinoy na sundin ang mga abiso ng lokal na health officials para sa tamang pagsusuot ng face masks at umiwas sa mga matataong lugar at gumamit ng mga sani­tizers at iba pang hygiene products para makaiwas sa sakit.

May dalawang Pinay nurse, isa sa Riyadh noong nakalipas na taon at isa sa Abu Dhabi, UAE kama­kailan lamang ang kapwa nasawi sa Mers Coronavirus.

ABU DHABI

GITNANG SILA

KING FAHAD MEDICAL CITY

MERS CORONAVIRUS

MERS COV

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME

PINAY

RIYADH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with