Huling West Pointer binigyan ng star ang balikat
MANILA, Philippines - Inaprubahan na ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino ang rekomendasyon ng Philippine National Police (PNP) na i-promote, bigyan ng star sa kanyang balikat o Chief Superintendent si Napoleon Caballes Taas.
Si Taas ay na-promote bilang General ay siyang huÂling natitirang West Point graduate matapos na magretiro sa serbisyo si P/Director Eric Q. Javier, USMA Cl 77, noong 2012.
Posibleng si Taas na ang maging kahuli-hulihang West Pointer sa PNP dahil sa ngayon ang mga Filipino West Point graduates ay awtomatikong itinatalaga na sa Philippine Army.
Makaraang magtapos sa prestihiyosong US Military Academy noong 1984, sinimulan ni Taas ang kanyang military career sa pamamagitan nang pagsali sa PMA Maharlika Class of 1984 noong Abril, 1980.
Nagtungo si Taas sa West Point, New York noong Hunyo, 1980 upang ipagpatuloy ang kanyang cadetship sa USMA. Nanumpa siya sa tungkulin bilang 2nd Lieutenant sa Philippine Constabulary kay BGen. Angel Kanapi, Phil. Military Attache to the US at pagbalik sa bansa ay kaagad na sumapi sa Philippine Constabulary at ni-recruit ng elite Special Action Force (SAF).
Tumanggap ng ibat-ibang komendasyon, medalya at certificate of merit si Taas sa kanyang mga hinawakang sensitibong posisyon sa PNP at naging tanyag at nagningning ang kanyang pangalan sa Manila Police District (MPD) o Manila’s Finest.
- Latest