^

Bansa

Arbitration giit sa China: Pnoy, Obama ayaw sa giyera

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon nina US President Barack Obama at Pangulong Benigno Aquino III na ayaw nila ng giyera  kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea sa China.

Nagkaisa sina Pres. Obama at Pangulong Aquino sa kanilang pa­ninindi­gan sa joint press conference nito sa Ma­lacañang kahapon na mas magandang resolbahin ang sigalot sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan.

Ayon kay Pres. Oba­ma, tama ang ginawa ng gobyerno ni Pangulong Aquino na dalhin sa international arbitration ang usapin sa West Philippine Sea at resolbahin ito sa diplomatikong pamamaraan.

“Japan, SK, Malaysia and now the PHL, the message is the same - they would like to resolve these issues peacefully and diplomatically,” giit pa ng US president sa joint press conference sa Malacañang kasama si Pangulong Aquino.

Nasa Pilipinas si Obama para sa kanyang 2-day state visit at ang pinakahuling bansa sa Asya na kanyang dinalaw sa kanyang 4-country tour.

Idinagdag pa ni Oba­ma, dapat ay igalang at irespeto ng China ang international laws upang lalo itong makakuha ng mas malawak na pagkakaibigan sa Southeast Asian nations na kanyang kapitbahay.

Sinabi pa ni Obama, nakahanda ang Estados Unidos na tumulong upang mapayapang maresolba ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa usapin ng West Philippine Sea.

“Our goal is simply to make sure that everyone is operating in a peaceful fashion. Really our message to China is we want to be a partner with you in upholding international law. I think that it is good for the region and the world if China is successfully developing, lifting more of its people out of poverty,” wika pa ni Obama.

Sa panig naman ni Pangulong Aquino, iginiit nitong nais ng Pilipinas na maresolba ang sigalot nito sa China sa usapin ng West Philippine Sea sa pamamagitan ng mapayapang paraan kaya dinala nila ang usapin sa international tribunal.

“We are not a threat militarily to any country, we don’t even have a single fighter aircraft in our inventory,” paliwanag pa ni PNoy.

ESTADOS UNIDOS

NASA PILIPINAS

OBAMA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PILIPINAS

PRESIDENT BARACK OBAMA

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with