^

Bansa

Obama, PNoy nagpulong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinalubong ni Pangulong Benigno Aquino III si United States President Barack Obama sa Malacañang ngayong Lunes ng hapon.

Bukod kay Aquino, kabilang din sa tradisyonal na pagsalubong ang mga gabinete ni Aquino at ang mga empleyado ng Palasyo nang dumating si Obama bandang alas-2 ng hapon.

Bago tumuloy sa expanded bilateral meeting ay lumagda muna ang US President sa official guestbook ng Palasyo.

Kabilang sa mga pag-uusapan ng dalawang Pangulo ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas at ang kalalagda lamang na  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) .

Kaugnay na balita: EDCA: Mas maraming US forces sa susunod na 10 taon

Matapos ang pagpupulong sa Aguinaldo State Dining Room ay inaasahang magbibigay ng pahayag sina Obama at Aquino.

Magtatagal si Obama sa Pilipinas hanggang bukas kung saan daraan din siya sa  US military cemetery sa Fort Bonitacio.

Dumating pasado ala-1 ng hapon si Obama lulan ng Air Force One na lumapag sa runway ng Ninoy Aquino International Aiport bago lumipat sa helicopter na Marine One.

Kaugnay na balita: NAIA isasara ng 2 oras para kay Obama

Ang Pilipinas ang huling bansang pinuntahan ni Obama matapos magtungo sa South Korea at Japan.

vuukle comment

AGUINALDO STATE DINING ROOM

AIR FORCE ONE

ANG PILIPINAS

AQUINO

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

FORT BONITACIO

KAUGNAY

MARINE ONE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIPORT

OBAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with