^

Bansa

EDCA: Mas maraming US forces sa susunod na 10 taon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nagkasundo ngayong Lunes ng umaga ang Pilipinas at Estados Unidos ngayong Lunes ng umaga upang mas buksan ang pintuan ng bansa para sa mga sundalong Amerikano sa susunod na 10 taon.

Nilagdaan nina  Defense Secretary Voltaire Gazmin at US Ambassor to the Philippines, Philip Goldberg ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) bandang alas-10 ng umaga.

"The Enhanced Defense Cooperation Agreement or EDCA serves as recognition by both sides that there is even more that we can do together to support the alliance and to promote peace and security in the region," wika ni Goldberg.

Kaugnay na balita: Obama darating ngayon!

Naganap ang pakikipagkasundo sa kabila ng tensyon sa pinag-aagawang South China Sea ng Pilipinas at Tsina.

Layunin ng kasunduan na mapanatili ng seguridad ng bansa at ang patuloy na modernisasyon ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) .

Tiniyak din ni Goldberg na hindi sakop ng kasunduan ang pagbubukas muli ng US bases sa bansa.

Kaugnay na balita: NAIA isasara ng 2 oras para kay Obama

"While that captures the essence of what we will do, I want to reiterate what it will not do: It will not re-open US bases. It is an agreement to enhance our defense relationship.”

Nakatakdang dumating sa bansa ngayong hapon si US President Barack Obama para sa kanyang state visit.

Mananatili si Obama hanggang bukas para sa kanilang pagpupulong ni Pangulong Benigno Aquino III.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

ESTADOS UNIDOS

GOLDBERG

KAUGNAY

OBAMA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIP GOLDBERG

PILIPINAS

PRESIDENT BARACK OBAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with