Obama darating ngayon!
MANILA, Philippines - Nakaalerto ang buong bansa sa pagbisita ngayong araw sa Pilipinas ni United States President Barack Obama.
Magmumula si Obama sa Malaysia patungo rito sa Pilipinas ngayong Lunes bilang bahagi ng kanyang 4-nation tour sa mga kaalÂyadong bansa sa Asya. Ang Pilipinas ang final leg ng kanyang tour sa Asia.
Nabatid na naka-red alert ang buong militar, pulisya at ang Presidential Security Group na siyang mangunguna sa seguridad ni Obama habang nasa bansa.
Ipinatutupad naman ang no-fly zone sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport para (NAIA) sa pagdating ni Obama ngayong araw at maging ang kanyang pag-uwi sa kasunod na araw.
Sakop ng pansamanÂtalang no fly zone ang mga paliparan sa Sangley, Lipa at San Ildefonso na may 39 hanggang 72 kilometro ang layo sa Manila patungong NAIA. Bukod dito, ipinatutuapd din ang no-sail zone ngayong araw sa Pasig River na tumatagos sa may Malacañang Palace.
Nilinaw naman ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na ang militar na kasama sa Joint Task Force sa National Capital Region ang naka-red alerrt habang naka-blue alert ang AFP general headquarters.
Tinatayang may 50 porsyento ng military personnels ang naka-duty ng 24/7 para sa pagbisita ni Obama.
Ang PSG ay patuloy ang koordinasyon sa US Secret Service para sa seguridad ni Obama.
Nakahanda rin ang militar na magbigay ng contingency forces bilang suporta sa PhiÂlippine National Police sakaling kailanganin kapag nagkaroon ng banta sa seguridad ni Obama.
Sinabi ni PCOO Secretary Herminio Coloma Jr. na ang pagdalaw ni Obama ay mainam na pagkakataon upang isulong ang istratehikong pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.
Ayon kay Coloma, ipaparating ni Pangulong Aquino ang bisyon o pananaw ng bansa sa ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos upang lalong mapatatag at mapatibay ang pagsasamahan nito.
Ngayong 2:30 ng hapon ay inaasahang dadalaw si Obama sa Malacañang para makiÂpag-usap kay Pangulong Benigno C. Aquino III.
Kaugnay ng seguridad, sinabi ng hepe ng Armed Forces Joint Task Force National Capital Region na si Brig. Gen. Manuel Gonzales na nakahanda ang military na magbigay ng suporta sa pulisya para magbantay sa dalawang araw na pagdalaw ni Obama.
“Meron kaming planong panseguridad para sa kanyang (Obama) pagdalaw pero sumusuporta kami at nakikipag-ugnayan sa PNP (Philippine National Police),†sabi pa ni Gonzales.
Idinagdag niya na nakaantabay ang mga sundalo kapag hiniling ng PNP na siyang resÂponsible sa seguridad ng okasyon.
Samantala, lalagdaan din ngayon ang increased rotational presence ng US troops sa Pilipinas na nakapaloob sa Enhanced Defense Cooperation Agreement sa loob ng 10 taon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon sa source, sa ilalim nito ay mabibigyan ng access ang mga tropang Kano sa mga military camps sa bansa kung saan maaaring maglagay ang US ng mga fighter jets at barkong pandigma kung saan ngayong umaga lalagdaan ng dalawang bansa ang kasunduan sa Camp Aguinaldo.
Samantala, umaasa ang mga negosyanteng Amerkano rito sa Pilipinas na sa pagbisitang ito ni Obama ay higit pang bubuti ang mga ugnaÂyang pangnegosyo at patuloy na susulong ang ekonomiya ng bansa.
Nagpahayag ng kumÂpiyansa ang American Chambers Philippines na ang unang pagbisita ni Obama sa bansa ay magdudulot ng mas mabuting relasyong pangkalakalan at seguridad ng Pilipinas at ng US.
“Mahigit isang dekada na ang nakaraan nang bumisita rito ang isang US president kaya napakahalaga para sa mga negosyanteng Amerkano at sa mga mamamayang Amerkanong naninirahan at nagtatrabaho sa Pilipinas ang pagbisitang ito at sa pagbisita pa sa susunod na taon sa APEC leaders summit,†sabi ng grupo sa isang pahayag. (May ulat nina Alexis Romero at Mayen Jaymalin)
- Latest