^

Bansa

Obama visit: Pinoy hospitality ipinaalala ng Malacañang sa militante

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa gitna ng napipintong pagbisita sa Pilipinas ni US President Barack Obama, ipinaalala kahapon ng Malacañang sa mga militanteng grupo na nagbabalak na magsagawa ng mga kilos protesta ang ipinagmamalaking “Filipino hospitality”.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, wala namang problema kung itutuloy ng mga militante ang balak nilang kilos protesta dahil bahagi ito ng demokrasya.

Pero dapat rin aniyang alalahanin na ang mga Pilipino ay kilala sa pagkakaroon ng hospitality at maayos na pagtanggap ng mga bisita.           

Sana aniya ay ma­ipakita rin ng lahat ang maayos na pagtanggap ng Pilipinas kay Obama katulad din ng maayos na pagtanggap sa iba pang pinuno ng bansa na dumadalaw sa Pilipinas.

Tiniyak rin ni Valte na isusulong ni Pangulong Aquino ang kapakanan ng mga Filipino sa sandaling makipagkita na ito kay Obama.

Inasahang darating sa bansa si Obama sa Lunes para sa dalawang araw na pagbisita.

 

ABIGAIL VALTE

AYON

INASAHANG

OBAMA

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

PRESIDENT BARACK OBAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with