Oathtaking ng mga bagong abogado kanselado sa Obama visit
MANILA, Philippines - Kinansela ng Korte Suprema ang isasagawang oathtaking ng mga nakapasa sa 2013 Bar Examinations dahil sa state visit ni US Pres. Barack Obama.
Ayon kay Atty. Theodore Te, hepe ng Supreme Court Public Information Office, sa halip na sa Abril 28 gagawin ang panunumpa, iniurong ito sa May 5, 2014, ganap na alas 2:00 ng hapon sa Philippine International Convention Center sa CCP Complex.
Ipinaliwanag ni Te na nagpasya ang Kataas-taasang Hukuman na baguhin ang araw ng panunumpa para bigyang daan ang mahigpit na seguridad kaugnay ng pagdating sa bansa ni Obama.
Ito ay para na rin umano sa kapakanan ng mga magulang, successful bar examinees, mga kawani at opisyal ng hukuman at mga mahistrado na maaapekÂtuhan ng paghihigpit ng seguridad sa CCP Complex dahil sa pagdating ng pangulo ng Estados Unidos.
- Latest