^

Bansa

Lawyer kay PNP chief: Command responsibility

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng taxpayer-complainant na nagsampa ng P100 milyong plunder case laban kay PNP chief Alan Purisima na mas mabuting sagutin na lamang nito ang akusasyon sa kanya sa Office of the Ombudsman kaysa ipasa ang sisi sa kanyang predecessor na si dating PNP chief Raul Bacalzo.

Ipinagtanggol ng PNP si Director-General Purisima sa isinampang P100-M plunder case ni Glenn Gerald Ricafranca ng Barangay Capantawan, Legaspi City kung saan sinasabing hindi siya ang dapat sisihin sa kontratang pinasok ng PNP sa Werfast Documentary Agency Inc. dahil nalagdaan ito noong panahon ni Bacalzo.

Ayon kay Chief Supt. Theodore Sindac, spokesman ng PNP, naupo lamang si Purisima bilang PNP chief noong 2012 habang ang kasunduan hinggil sa Werfast ay nalagdaan noong 2011.

Wika pa ni Atty. Fiel, bilang PNP chief ay mayroong command responsibility pa din si Purisima dahil sa pagpapatuloy nito sa umano’y baluktot sa loob ng kanyang opisina ng maupo na ito bilang pinuno ng PNP.

“Dinepensahan niya sa publiko ang transaction ng Werfast sa PNP at hindi natin puwedeng isantabi ang malapit na ugnayan ni Purisima sa mga namumuno sa Werfast,” dagdag pa ng abugada.

Nakasaad sa pinasok na MOA ng PNP sa Werfast na ito ang magdedeliver ng gun license card sa mga firearm owners sa buong Pilipinas subalit ang sinisingil nito sa mga gun owners para sa delivery fee ay P190 habang ang singil naman ng LBC sa Werfast na siyang kinontrata para sa delivery service nito ay P90 lamang kada package kaya lumilitaw na kumita ito ng P100 milyon para sa delivery ng gun license card delivery sa 1 milyong gun owners sa buong bansa.

Aniya, kabilang sa mga incorporators ng Werfast ay ang malapit na kaibigan ni Purisima na si Mario Juan habang ang naging kinatawan ng PNP sa Memorandum of Agreement nito sa Werfast ay si  Enrique Valerio na tao naman ni Valerio habang opisyal din nito si retired Director Ireneo Bacolod na may direktang administrative supervision naman noon sa Firearms and Explosives Office.

May natuklasan din ang complainant sa registration ng Werfast na lalong nakakapaghinala kung paano nito nakuha ang multi-milyong transaksyon sa PNP.

“Ang authorized capital ng corporation na isang milyon lang, yung subscribed is only P250,000 and the paid-up capital is only P62,500. Paano magagarantiyahan ang isang multi-million peso transaction sa gobyerno sa ganoong halaga ng Werfast,” giit pa ni Atty. Fiel.

Binigyang-diin pa ni Atty. Fiel, hindi maaaring itrato na private funds ang ibinabayad sa Werfast dahil kasabay sa binabayarang regulatory fees para sa lisensiya.

 

ALAN PURISIMA

BARANGAY CAPANTAWAN

CHIEF SUPT

DIRECTOR IRENEO BACOLOD

DIRECTOR-GENERAL PURISIMA

ENRIQUE VALERIO

FIREARMS AND EXPLOSIVES OFFICE

PNP

PURISIMA

WERFAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with