Vendor sa Bacoor market nagpasalamat kay Strike
MANILA, Philippines - Nakakahinga na ng maluwag ngayon ang mga vendors ng Bacoor Public Market ilang buwan matapos itong itake-over ng pamahalaang lungsod mula sa pangangasiwa ng isang pribadong grupo sa loob ng tatlong taon.
Ayon sa Samahan ng Mangangalakal at Manininda ng Pamilihang Bayan ng Bacoor Inc., labis-labis ang kanilang pagpapaÂsalamat kay Mayor Strike Revilla dahil inaksyunan nito ang kanilang hinaing na palayasin ang pribadong grupo na nangangasiwa sa nabanggit na palengke.
Ang Bacoor Public Market ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng HDR Management Corporation na pag-aari ni Mrs. Flaviana “Vivian†Del Rosario bago ito tuluyang itake-over ng pamahalaang lungsod dahil sa sandamakmak na reklamo ng umanoy pang-aabuso sa mga vendors.
“May sariling batas at parang martial law ang ipinairal ni Vivian del Rosario sa palengke. Overprice ang kuryente at tubig, overprice din ang bawat pwesto, pero wala naman nangyaring improvement sa loob ng ilang taon, “ ayon kay Feliciana Sarmiento na pangulo ng samahan.
Si Vivian del Rosario ay kilalang tauhan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Malakanyang at sumabit na rin ang pangalan sa ilang isyu ng katiwalian.
Ngayong nasa paÂngangalaga nang muli ng pamahalaang lungsod ang palengke, iginiit ng grupo ng mga vendors na naging payapa na ang sitwasyon sa Bacoor Public Market.
- Latest