Isko sa truckers: ‘Hindi kayo pinag-iinitan’
MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na hindi niya pinag-iinitan ang mga truckers na bumibiyahe sa lungsod.
Ayon kay Moreno, hangga’t sumusunod ang mga truckers sa ordinansa ng Maynila malaya ang mga ito na makaÂpaghanapbuhay ng hindi kinikikilan at kinokotongan.
Aniya, layunin ng pamahalaang lungsod na ayusin ang trapiko at mabigyan ng kaluwagan at kaayusan ang bawat Manilenyo.
“Manilans deserves better things to the city government’, ani Moreno.
Payo ni Moreno, sundin lamang ng mga truckers ang batas trapiko upang hindi maabala at hulihin. Hindi rin umano nagpapahinga ang mga opisyal ng city government upang mapabuti ang kondisyon ng Maynila at maayos ang pamumuhay ng Manilenyo.
- Latest