TRO uli vs power hike
MANILA, Philippines - Hindi pa rin maipatutupad ng Manila Electric Company (Meralco) ang big-time power rate hike nito matapos na muling palawigin ng Korte Suprema ang temporary resÂtraining order (TRO) na ipinataw dito.
Sa pagkakataong ito, “indefinite until further orders†ang TRO na inilabas ng SC.
Nangangahulugan ito na hindi pa rin maaaring ipatupad ng Meralco ang P4.15 kada kilowatt hour (kWh) na taas-singil.
Disyembre nang unang maglabas ng TRO sa taas-singil sa loob ng 60-araw at sinundan naman noong Pebrero ng panibagong 60-araw.
Sa nangyaring deliÂberasyon ng SC en banc sa summer session nito sa Baguio City, pinaboran sa botong 10, apat na kontra at 1 abstain ang petisyon ng ilang consumer at party-list group na pigilan pa ang paniningil.
Ikinatuwa naman ng Malacañang ang naging desisyon ng SC dahil ang electric consumer ang makikinabang dito.
- Latest