^

Bansa

P100-M kaso vs PNP

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakahanda ang Philippine National Police na harapin ang P100 milyong plunder, graft at grave abuse of autho­rity case na isinampa sa Ombudsman laban kay PNP Chief Director Ge­neral Alan Purisima at iba pang opisyal kaugnay ng kontrobersyal na firearm license courier service na ikinomisyon ng pambansang pulisya.

Sinabi ng tagapagsalita ni Purisima na si Sr. Supt. Wilben Mayor na hinihintay na lang ng lide­rato ng PNP na matanggap ang kopya ng reklamo na isinampa ng pribadong mamamayang si Glenn Gerald Ricafrancia ng Legaspi City.

Sinabi pa ni Mayor na makakasagot lang sila kapag natanggap na nila ang isang kopya ng pormal na reklamo. Tiniyak nila na hindi nila aatrasan ang kaso.

Isinampa ni Ricafrancia ang kaso sa Ombudsman sa pamamagitan ng abogado niyang sina Atty. Mohammad Nabil Mutia at Atty. Coeli Fiel.

Bukod kay Purisima, inireklamo rin sina Napoleon Estilles at Werfast Documentary Agency Inc.

Sinabi ng taxpayer na magpapalisensiya sana siya ng baril kaya siya nag-inquire sa PNP hanggang sa matuklasan niyang dapat ay personal siyang magtungo sa Camp Crame para iproseso ito na sinasabi niyang hindi tama lalo’t magmumula sa mala­yong probinsiya ang magpapalisensiya ng baril.

Sa ginawa niyang pagtatanong at sari­ling pag-iimbestiga ay natuklasan din niyang maanomalya umano ang pinasok na kontrata ng PNP sa Werfast sa Memorandum of Agreement noong Mayo 2011.

Lalo siyang nagduda dahil ang isa sa opisyal ng Werfast ay si retired Chief Supt. Ireneo Bacolod na dating namumuno sa Civil Security Group na namamahala sa Firearms and Explosives Office (FEO) ng PNP.

Inireklamo din ng mga gun owners na inaabot ng 15 araw hanggang 3 buwan ang proseso ng Werfast sa FEO kahit sa off-peak season, kawalan ng pagbibigay ng official receipt at sumisingil ng P190 ang Werfast gayung P90 lamang ang singil sa kanila ng courier sa deli­very ng gun license card.

Dahil dito, ayon kay Ricafranca, ang kitang P100 ng Werfast sa bawat transaksyon ay nanga­ngahulugan ng P100 mil­yong kita dahil sa 1 milyong firearm ow­ners sa buong bansa.

Ipinagtanggol naman ni Purisima ang kontrata nito sa Werfast.

Nauna nang iniha­yag ni Purisima na hindi na siya magtataka kung may magsampa ng kaso. Natural lamang umano ito dahilan ganito talaga ang negosyo na kaila­ngan kumita. Hindi man direktang tinukoy ni Purisima ang kaniyang pinatamaan ay natumbok naman ang umaalmang losing bidders ng natu­rang kontrata na napunta sa Werfast.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GE

CHIEF SUPT

CIVIL SECURITY GROUP

PURISIMA

SHY

SINABI

WERFAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with